Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ejay Falcon Rhea Tan Beautederm Jana Roxas

Pagkapanalo ni Ejay ikina-proud ni Beautederm CEO Rhea Tan 

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

PROUD ate si Beautederm CEO and President Rhea Anicoche Tan sa itinuturing niyang kapatid na si Ejay Falcon sa pagkapanalo nito sa nakaraang eleksiyon.

Sa kanyang Instagram ay ipinost ni Ms Rhea ang picture nilang tatlo ni Ejay at ng girlfriend nitong si Jana Roxas. Parehong Beautederm ambassadors sina Ejay at Jana. 

Sa caption, inihayag ni Ms Rhea na na-proud siya sa tagumpay ni Ejay sa eleksiyon. Ipinaabot din ni Ms Rhea ang pasasalamat sa dalawa na sinadya siyang puntahan sa pictorial sa Makati ng Beautederm Home ambassador na si Marian Rivera. Hindi kasi magtagpo ang schedules nila para makapag-bonding sa Pampanga kaya nag-effort na sina Ejay at Jana na puntahan ang Beautederm CEO sa Makati. 

Thank you for taking time to see me my babies. So so proud of my lil bro! Now the New Vice Governor of Oriental Mindoro Hon @ejaythefalcon , First Lady @janaroxas_ #proudAteMoment ,” sabi ni Rhea sa caption.

Samantala, sa Facebook at Instagram post ni Ejay inihayag niya ang pasasalamat sa mga kababayang bumoto at sumuporta sa kanya. Pangako niya ay tapat at malinis na paglilingkod sa mga taga-Oriental Mindoro.

Ayon kay Ejay, “Sa lahat po ng nanindigan, nagpakita ng suporta, nagtiwala, nagmahal at bukas palad na tumanggap sa isang Ejay Falcon, hindi bilang artista kundi bilang isang kababayan nyo na nag nanais maglingkod ng buong puso, MARAMING MARAMING SALAMAT PO. 

“Hindi naging madali ang laban pero bawat isa po sa inyo ang dahilan kung bakit po tayo nagtagumpay. Ilang beses po tayong ibinaba, minaliit at hinusgahan pero kayo po ang nag angat at nag panalo sa isang Ejay Falcon. 

“Utang ko po sa inyo ito at hayaan nyo pong bayaran ko kayo ng tapat at malinis na paglilingkod. 

“Ang mga ngiti, palakpak at hiyaw nyo po ang nagbigay sa akin ng lakas na kaya natin ito. Hindi ko po maipaliwanag sa mga salita ang saya at galak na nararamdaman ko ngayon dahil gustong gusto ko na pong magsimulang maglingkod sa inyo. 

“Sa lahat ng mga kabataan, ito na si Ejay Falcon ang Kuya nyo sa Sangguniang Panlalawigan. Umasa po kayo mga kababayan ko na may action star po kayo na magtatanggol at tutulong para sa kapakanan at interes ng lalawigan at magbibigay ng dobleng aksyon para sa mga mamamayan. 

“Ito po ang bagong Bise Gobernador ng Oriental Mindoro, ready to serve you.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Grace Poe

Pag-angat ni Grace Poe, tampok sa 2028 VP survey ng WR Numero Research

ni TEDDY BRUL MAYNILA — Isa sa pinakamalaking pag-angat sa pinakabagong WR Numero Research survey …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …