MATABIL
ni John Fontanilla
MUKHANG handa nang ipagsigawan sa buong mundo ni Rayver Cruz ang kanyang pagmamahal kay Julie Anne San Jose.
Mensahe ng actor sa kaarawan ni Julie Anne na nagdiwang ng ika-28 birthday, “Mahal kita, gusto ko lang sabihin is nandirito lang ako.
“Maghihintay ako kahit gaano katagal. Kapag ready ka na and kapag okay na kay Tito at Tita, palagi lang akong nandito. Mahal kita. Happy Birthday.”
Hindi nga minamadali ni Rayver na sagutin siya ng dalaga at maging sila, dahil handa itong maghintay sa tamang oras at panahon na handa nang umibig si Julie Ann.