MATABIL
ni John Fontanilla
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Kim Chiu na nanalo sa pagkapangulo si Sen Ferdinand Bong Bong Marcos Jr. at natalo ang kanyang manok na si VP Leni Robredo.
Mukhang hindi tanggap ng GF ni Xian Lim na milya-milya ang layo ng boto ni BBM kay VP Leni.
Post nga nito sa kanyang Instagram
“Still I cannot believe how did it happen. I’m sure all of you saw the videos and pictures and news about what happened on the election day,” sey ng aktres.
“Yet parang ginawa tayong bulag. How did it happened? Why is this happening? How did we let it happen? Do we even deserve this?”
Dagdag pa nito, “Basta ako proud akong tumindig at malinis ang konsenya ko.”
“I am with you ma’am. We are all with you. I know you are tired, tao lang po kayo. Ang dami nang tumatakbo sa isip n’yo yet you are not giving up for all of us.
“’Yung pag asa at lakas ng loob na binibigay n’yo sa amin. Sobra po. Napaka-strong n’yo po.
“Mahal namin kayo ma’am. Proud kaming tumindig para sa ‘yo at para sa pag-asa na makakamtan sana ng Pilipinas,” pagtatapos ni Kim.