Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
James Reid Gay Boyfriend Nadine Lustre

James Reid lalaking-lalaki; Nadine magpapatunay

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAG-VIRAL ang isang video ni James Reid na nakitang may hinahalikan siyang isang kaibigang lalaki. Eh alam naman ninyo kung gaano kamalisyoso ang mga Filipino, kung ano-ano na namang tsismis ang ginawa ng mga Marites.

Marami kaming narinig na tsismis tungkol kay James noong una pa man, pero ni minsan hindi kami nakarinig ng kuwentong bading siya. Walang may duda sa preference ni James. Lalaki iyan.

Isipin ninyo, gaano katagal silang nag-live in ni Nadine Lustre at open book naman ang kuwentong iyan. Ibig sabihin sa loob ng panahong iyon ay walang nahalata si Nadine kung “may bahid” si James?

Isa pa, si James ay isang Australian. Iyon ang nakagisnan niyang kultura. Sa kanila ang halik ay isang pagbati lamang. Hindi mo masasabing dahil hinalikan niya ang kaibigan niya ay may relasyon na sila, o bading na si James.

Iyang mga ganyang diga ng mga Marites ang hindi na maganda. Basta may nakita kayo, isipin muna ninyo kung bakit nangyari ang nakikita ninyo. Hindi lahat ng tao ay tutugon sa inyong standards. Mayroong iba na iba talaga ang standards sa buhay. Kahit nga sa amin eh, may mga kaibigan kami kahit na lalaki na basta nagkita kami ay humahalik. Tanda lang iyon ng pagbati. Iba-iba ang kaugalian ng mga tao. Hindi ninyo maaaring sabihin na dahil nandito sila sa Pilipinas kailangang sundin nila ang standards pati ng mga Marites sa Pilipinas.

Basta sa mga bagay na iyan hindi kami pabor at kahit na tsismis, hindi namin kakagating bading si James.

Sobra naman iyang tsismis na iyan. Ang nagpasimula niyan dapat nang ibitin nang patiwarik.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …