Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko Melendez, perfect example ng isang tunay na public servant

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISANG araw matapos maiproklama bilang Konsehal ng 5th District ng Quezon City, pagtulong agad ang ginawa ng award-winning actress na si Aiko Melendez.

Namahagi siya ng AICS (Assistance In Crisis Situation) para sa youth sector ng nasasakupang distrito. Base ito sa post ni Ms. Aiko sa kanyang FB account:

Unang araw pagkatapos kng pormal na naiproklama bilang isa sa konsehal ng district 5 QC! Distribution of AICS sa mga Youth leaders. Gaya ng aking nasabi na gagawin nung aking kampanyahan na di iiwan ang bawat sektor. Tutulong at magtratrabaho para sa inyo. Maraming Salamat po Senator Grace Poe sa pagbigay ng inyong tulong para sa aking Distrito. Assistance in Crisis situation. Salamat din po sa mga masisipag na kawani ng DSWD. Karangalan namen lahat ang magserbisyo sa inyo! Salamat SK Patrick Kaile Liwanag bilang head coordinator namen sa mga Youth leaders. Salamat dn kagawad Jon-Jon Llegado salamat din sa aking anak na bunso Marthena Jickain na naging katulong ko para sa proyekto na ito At sa aking COS Angelo Castaneda makaka asa po kayong lahat ng isang tapat na pagserbisyo mula sa amin Dahil karangalan namen ang magserbisyo sa inyo

Sumunod na nakita ko naman ay ang FB post na ito ni Konsehal Aiko:

GOOD AM district 5…. Oplan baklas ng mga kinabit nameng Tarpulins nung Nakaraan eleksyon, kami ay nakikiisa po sa clean up drive ng bawat barangay upang mabawasan din ang kanilang trabaho. Mas mapapabilis po kng kami ay magtulong tulong… kasama ang aking Team at sumama dn ang aking bunso Marthena Melendez Jickain Salamat din kagawad Jon-Jon Llegado sa pagsama sa aming initiatibo sa isang mas maaliwalas na dist 5

Ang mga tulad ni Ms. Aiko na public servant ang kailangan ngayon ng ating bansa. Iyong talagang magtatrabaho para sa kapakanan ng mga tao, iyong marunong tumupad sa pangako, at may malasakit at pagmamahal sa kanyang constituents.

Ang tulad ni Konsehal Aiko ay perfect na example ng isang tunay na public servant.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …