Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robin Padilla 2

Robin ‘di makapaniwalang mangunguna sa pagka-Senador 

MATABIL
ni John Fontanilla

MALAKI ang pasasalamat at gustong ibalik ni Robin Padilla sa sambayanang Filipino ang pangunguna bilang senador. Hindi makapaniwala ang aktor na makapapasok siya sa Top 12 at magiging number one pa gayung  wala siyang campaign funds.

Ayon sa actor, “Wala po akong inaasahan kahit ano. Unang-una, wala po akong kahit ano. Wala po akong makinarya, wala po akong kahit ano, pera. Wala. Hindi ko po inaasahan ito.

“Ang akin lamang po ay paninindigan. Ang akin lamang po ay nananalig po ako sa Panginoong Diyos at tulong-tulong lang po ng mga naniniwala sa akin.” 

Dagdag pa nito,  “Naniniwala po ako na ‘yung plataporma ko na charter change, ‘yung Federalismo, ‘yung pagbibigay ng kapangyarihan sa mga lalawigan, bigyan sila ng kalayaan, sila po ay makagagawa ng ayon sa kanilang kultura, tradisyon, kapaligiran, doon po ako naniniwala.

“Hindi po ako nangungumbinsi nang dahil kay Robin Padilla. Malabo pong mangyari,” giit pa ng aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …