I-FLEX
ni Jun Nardo
KULAY itim ang profile sa Instagram hanggang kahapon ni Regine Velasquez-Alcasid na walang caption.
Nagtaka siyempre ang ilan sa followers ni Songbird kaya may tanong na, “Anong nangyari?” Eh kapag black ang profile sa social media, may pumanaw.
Eh ‘yung nakaiintindi, yakap at pasasalamat sa pagtindig ang komento. Supporter ni VP Leni Robredo si Regine at may kinalaman ang black profile sa resulta ng eleksiyon.
Pero may isang netizen na nagkomento ng, “Panalo naman si Robin Padilla leading man mo. Ok lang.”
Ang sobrang tahimik naman ngayon sa kanyang IG ay si Sharon Cuneta. Mas maingay pa sa kanya ang anak niyang si Frankie Pangilinan, huh!