MATABIL
ni John Fontanilla
KUNG may mga artistang pinalad na manalo sa katatapos na halalan, marami rin ang umuwing luhaan o natalo.
Ilan sa mga hindi pinalad ay si Manila mayor Isko Moreno Domagoso at Sen. Manny Pacquiao na parehong tumakbo sa pagka-Pangulo. Talo rin si Senate President Tito Sotto na tumakbong vice presidente, ganoon din sina Monsour del Rosario, Rey Langit, at Herbert Bautista na tumakbong senador.
Bigo ring maging gobernador ng Laguna si Sol Aragones at gobernador ng Camarines Sur si Jukebox Queen Imelda Papin. Habang ‘di rin pinalad si Jerico Ejercito na tumakbo namang Vice Governor ng Laguna.
Talunan din sa pagkakongresista sina Richard Yap (Cebu City), Rommel Padilla (Nueva Ecija), at Angelica Jones (Laguna). Pati na rin sina Alvin Patrimonio na tumakbong mayor sa Cainta, Rizal; ER Ejercito (mayor, Calamba, Laguna); Arnold Vegafria (mayor, Olongapo City); Teri Onor (vice mayor, Abucay, Bataan); at Raymond Bagatsing (vice mayor, Manila).
Hindi rin nakapuwesto at natalo sa pagkakonsehal sina Claudine Barretto (Olongapo City), Roderick Paulate, Melissa Mendez, Bobby Andrews, Hero Bautista, at Ali Forbes (Quezon City); Arci Muñoz (Cainta, Rizal); Dennis Padila (Caloocan City); at Inday Garutay (San Juan).