Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathniel Cathy Garcia- Molina Mae Cruz Alviar Olivia Lamasan

KathNiel ginisa nina Direk Cathy, Direk Mae, at Inang

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MASUWERTE sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil muli nilang nakasama ang kinikilala nilang mga ina sa industriya na sina Cathy Garcia- Molina, Mae Cruz Alviar, at Olivia Lamasan. Ito’y sa 2 Good 2gether: A Special Reunion documentary na napanood kahapon sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Ang dokyu ay bahagi ng pagdiriwang ng KathNiel ng kanilang ika-10 taon  na binalikan ang mga pinagdaanan nila kasama ang tatlong batikang direktor.

Malaking bahagi ng KathNiel ang tatlong batikang director na nasa likod ng ilan nilang blockbuster films sa nakalipas na 10 taon. Marami ang kinilig sa pag-amin ni Direk Cathy na hanggang ngayon ay hindi niya alam kung kailan naging magkasintahan ang dalawa. Tanong nga nito kina Kathryn at Daniel, “So wala pang kasal?”

Natanong din ni Direk Mae kung may panghihinayang o pinagsisihan sina Kathryn at Daniel. Sagot ni Kathryn, “Sana mas nagtiwala ako sa sarili ko matagal na.”

Inalala naman ni Inang ang unang pagkikita nila ni Daniel. “Una ko silang naidirehe sa ‘Pangako Sa Yo.’ Si DJ parang tadpole,” ani InangSumakay naman si DJ sa biro, “Paki-zoom-in nga po. Am I tadpole?”

At dahil ina na ang turing nina Daniel at Kathryn sa tatlong box-office directors, tinanong din ng dalawa kung naniniwala pa ang tatlo sa kanila at kung tama pa rin ba ang kanilang tinatahak.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …