ni Ed de Leon
KINIKILIG ang isang fashion designer, dahil nakita raw niya sa internet ang isang dating sikat na matinee idol, na kung nalaos nga at nagmukhang luoy na noon, ngayon daw ay mukhang nanariwa at pulang-pula na naman ang hasang.
Nakita nga namin ang dating sikat na matinee idol sa video rin, mukha nga siyang mas bumata pa. Tiyak sa pagbabalik niya pagkakaguluhan siya ulit.
Kailangan lang tama ang kanyang masamahan. Iwasan na muna niya ang dati niyang bisyo na siyang nagpahamak sa kanya. Iwasan din muna niya ang “sideline” niyang hindi maganda. Tutukan niya nang husto ang career niya.