NAGPAHINGA at hindi iniwan ni Sylvia Sanchez ang showbiz, pagkatapos ma-drain sa top rating teleserye na Huwag Kang Mangamba.
Napaka-challenging ng role nito sa nasabing teleserye na ginampanan ang role ni Barang na may sira sa pag-iisip.
Sa nasabing serye umani ng na papuri mula sa mga nakapanood nito si Sylvia, hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa na kinilala ang husay niya bilang aktres.
Pero ayon kay Sylvia, “Kaklaruhin ko lang ‘to, after ko maramdaman ‘yung pagka-drain, grateful ako sa ‘Huwag Kang Mangamba’ ha, roon kay Barang. Sobrang ganda ng role pero very tiring lang ‘yun, sobra.”
Pero bago nga tuluyang magpahinga ay muli itong gumawa ng isang drama series, ang Miss Piggy dahil na rin sa makakasama niya ang anak na si Ria Atayde.