Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ariella umaariba sa pagpapa-sexy; kapwa beauty queen ikagugulat ang Breathe Again

TINIYAK ni Ariella Arida na ikasa-shock ng mga kapwa niya beauty queen ang mga ipinagawa sa kanya ni Direk Raffy Francisco sa pelikulang handog ng Viva Films, ang Breathe Again.

Ayaw man idetalye ng dating beauty queen kung ano-ano ang mga maiinit at maseselang eksena na ginawa niya sa sexy-drama movie na mapapanood sa Vivamax sa June 3 sinabi nitong tiyak na kagigiliwan ang kanilang mga underwater scenes.

Kinunan ito sa Anilao, Mabini, Batangas. “Ang sarap mag-shooting na ganoon ‘yung location. Iba ‘yung naibibigay na vibe ng dagat, mas chillax.

“Noong ipinitch sa akin ‘yung karakter, tapos free diver ako, I’m super excited kasi it’s something that I want to try too. But we really, really had some trainings, me and Tony together to do free diving.

“Akala ko, personally, it would be easy na parang makikita ng tao na parang sisisid ka lang sa swimming pool, sisisid ka lang sa malalim.

“Pero kailangan mo rin ng techniques especially kung as a role. Hindi siya basta-basta ginagawa without any proper training.

“Kaya ako, na-enjoy ko rin po kasi nagkaroon din ako ng free course sa free diving,” masayang kuwento ni Ariella.

Maituturing namang advocacy movie ang Breathe Again dahil sa ilang eksena na nagpapaalala sa publiko kung paano ang tamang pag-aalaga sa kalikasan.

“Makikita natin ‘yung mga anggulo na kagustuhan niya sa karagatan and caring for the environment so all of these are encapsulated in the sport of free diving.

“Ang ganda kasi ng karagatan ng Pilipinas if you only get to see it wow!” ani Direk Raffy.

Samantala, ang Breathe Again ang unang full length movie ni Raffy na kilala bilang direktor ng mga TV commercial. Siya mismo ay mahilig sa dagat at ito ay makikita sa kanyang mga kuhang litrato.

Hindi na rin bago kay Miss Universe Philippines (2013) ang paggawa ng mga maseselang eksena matapos maging bahagi ng mga pelikulang tulad ng Sarap Mong Patayin at More Than Blue.

Abangan kung gaano kainit ang kanyang eksena kasama si Tony Labrusca. Ito ang unang pelikula ni Labrusca sa Viva matapos ang dalawang taon. Bumida siya sa Hindi Tayo Pwede noong 2020.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …