DAHIL sa paghahangad na mapansin at siguro hindi rin niya maunawaan kung bakit sa itinagal-tagal ng panahon ay lagi siyang nalalampasan ng mga nakakasabay niya, lumalaban na rin sa hubaran ang isang male star. Pero ewan nga ba kung bakit pati sa pagsusuot ng brief may nakakasabay siyang mas napapansin kaysa kanya at natatabi lang siya.
May hitsura naman iyong bata. Ok din namang sumayaw. Pero ewan simula pa noong araw hindi siya napapansin. Kawawa naman. Sana dumating din ang isang araw na magbunga ang kanyang pagta-trying hard at mapansin din naman siya.
Maraming kawawang ganyan sa showbiz na ginawa na ang lahat pero hindi talaga sumikat.