Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Geronimo

Sarah walang ineendosong kandidato

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI ba noon pa man niliwanag na ng kanyang mga manager, ang Viva Artists Agency na walang ine-endosong sino mang kandidato si Sarah Geronimo?  May lumabas lang na picture niya na nakasuot ng isang political color, ikinalat nila iyon sa social media at sinasabing si Sarah ay endorser ng kandidato nila.

Eh kung minsan hindi naman ganoon ang kulay ang suot mo nae-edit nila ang picture at napapalitan nila ang kulay ng damit mo.

Tapos sasabihin na ang artista ay “paasa lang” kung hindi nila makikitang sumasama sa kanila. Eh sino ang may kasalanan? Bakit naman sila umasa? Narinig ba nila si Sarah na nangakong magkakapanya  para sa kandidato nila?

 At saka bakit nga ba iyang mga politiko paniwalang-paniwala sa endorsement ng mga artista? Hindi naman iyang mga artista ang maghahatid sa inyo ng boto, kahit na magsasayaw pa sila nang parang nai-epilepsy sa mga rally ninyo. Iyon ngang mga artista na mismo hindi nakasisigurong mananalo eh. Iyong asawa nga ng artista sinasabing milagro na lang kung mananalo eh.

Hindi rin ang relihiyon ang magpapanalo sa kandidato. Ngayon nga ang usapan, sino daw kaya ang mas pakikinggan, ang dasal, ang mga obispong Katoliko, o ang dasal nina Bro. Mike Velarde ng El Shaddai, ni Executive Minister Ka Eduardo Manalo ng INC, at Pastor Apollo Quiboloy? Mahirap na lang magsalita.

 Kaya huwag naman ninyong awayin ang mga artistang ayaw mag-endoso ng kandidato. Mas mabuti na iyong hindi nag-eendoso, kaysa roon sa panay ang endorsement na nakasisira pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …