I-FLEX
ni Jun Nardo
AMINADO si Andrea Brilliantes na hindi siya marunong mangampanya.
Kaya naman idinaan ni Andrea sa Tiktok ang suporta niya kay VP Leni Robredo. Hinikayat din niya ang kanyang followers sa Tiktok lalo na ‘yung first time voters this year na si Robredo ang piliian nilang presidente.
Eh ayaw nga sana niyang makisawsaw sa politika lalo na sa kanyang trust issues at bata pa siya.
Pero nagbago ang isip niya nang tumakbo si VP Leni. Nagkaroon siya ng lakas ng loob upang sabihin kung sino ang gusto niyang sumunod na pinuno ng bansa.
Katunayan, last April 23, lumabas si Andrea sa birthday rally para kay VP Leni na ginanap sa Pasay City.