Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Umali Ken Chan food trip

Bianca at Ken masayang nag-foodtrip

RATED R
ni Rommel Gonzales

MASAYA talaga on and off camera ang set ng GMA Telebabad romantic comedy series na Mano Po Legacy: Her Big Boss.

Sa pagte-tape ng kanilang mga eksena, nakuha pang mag-food trip ng lead stars nitong sina Bianca Umali atKen Chan.

Ibinahagi ni Ken ang kanilang impromptu food trip na namakyaw sila ni Bianca ng isaw, betamax o dugo, kwek kwek, at mangga with bagoong.

“Iba pa rin talaga ‘yung sarap ng Pinoy street food diba @bianxa? Nasira yung diet namin kasi pinakyaw namin yung mga pagkain,” sulat niya sa caption ng post.

Kayo anong ang favorite street food niyo? Ako ISAW!” dagdag na tanong ni Ken.

Samantala, lalong nagiging exciting ang takbo ng kuwento ng Mano Po Legacy: Her Big Boss.

Marami na ring nakakapansin ng closeness ni Richard, karakter ni Ken, sa assistant niyang si Irene, played by Bianca.

Hihingi rin muna ng “break” si Irene mula sa pagpaplano ng wedding nila ng fiance na si Nestor, played by Kelvin Miranda.

Patuloy na tumutok sa Mano Po Legacy: Her Big Boss, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …