Friday , November 15 2024
Calista

Calista feeling blessed sa kanilang bigating guest artists sa concert

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

FEELING  blessed at grateful ang bagong all-girl P-Pop group na Calista dahil nakasama nilang mag-perform sa stage sa kanilang successful Vax To Normal concert sa Smart Araneta Coliseum last April 26 ang ilan sa mga sikat at hinahangaang OPM artists, dancers, at performers.

Bonggang-bongga nga ang kanilang performances at production numbers kasama sina Yeng Constantino, Andrea Brillantes, Elmo Magalona, AC Bonifacio, Ken San Jose, at Darren Espanto. At ang maganda pa ay pinuri at hinangaan din ng mga naturang artists ang galing, talento, dedikasyon at passion ng members ng Calista na sina Anne, Olive, Laiza, Denise, Elle, at Dain.

Kaya naman overwhelmed at nagpapasalamat ang Calista. Ayon nga sa group leader na si Anne, “Sobrang grateful na nagkaroon kami ng opportunity na mag-perform with such big stars. ‘Yung feeling performing with them parang blessed ganoon, feeling blessed kasi siyempre iba ‘yung ganoon kapag nagpe-perform ka onstage and kasama mo pa ‘yung big stars.”

Aminado naman sina Laiza, Elle, at Olive na nakaramdam sila ng pressure at kaba dahil mga sikat na artists ang nakasama nila. Idagdag pa ang pressure na nag-concert sila sa malaking venue na Smart Araneta Coliseum.

Medyo nakaka-pressure kasi siyempre bigatin ‘yung mga nakasabay naming artista eh. Tapos dito pa sa Araneta kaya grabe ‘yung pressure na naramdaman namin. Pero noong nasa stage na kami parang nawala ‘yung pressure kasi na-excite kami at sobrang saya to perform with them,” ani Laiza.

Dagdag ni Elle, “Ako naman sobra akong kinakabahan kasi sino ba ang hindi sasaya na mag-perform sa Araneta and kasama pa namin ‘yung mga big star. Nakaka-pressure pero masaya.”

“’Yun nga I was feeling nervous noong una kasi siyempre bigatin ‘yung mga guest. Pero noong nakasama na namin sila sa pagre-rehearse sobrang overwhelming at saka hindi lahat nakakapag-perform sa Araneta,” sabi pa ni Olive.

Memorable naman para kay Denise na makapag-perform kasama ang idolo niyang si AC. “Sobrang saya, sobrang grateful lalo ‘yung makasama si idol AC. Noong rehearsal nga nahihiya ako sa kanya eh.”

Nag-enjoy din si Dain na makasama nilaa ang guest stars. “Sobrang gaan nilang ka-work. Naging masaya kami at nag-enjoy kasama sila. Sobrang hina-hype nila kami when it comes to our perfomance. Sana maulit.”

Nagpapasalamat din ang Calista sa suporta ng kanilang mga pamilya, kaibigan, fans, manager nilang si Tyronne Escalante, sa producer ng concert nila na Merlion Events Production Inc. pati na sa production team kaya naging matagumpay ang kanilang debut concert at tribute concert para sa frontliners.

Pagkatapos ng kanilang concert, susunod naman nilang pagtutuunan ng pansin ang kanilang second single pagkatapos ng hit single nilang Race Car.

Congratulations, Calista!

About Glen Sibonga

Check Also

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …