Sunday , December 22 2024
Maricel Soriano

Protocol ng politika ‘wag hanapin kay Maricel 

IYANG si Maricel Soriano nagpunta iyan sa isang political rally dahil sa pakikisama, at kagaya nga ng sinabi ni Vice Ganda, “roon muna kami sa makapagbibigay sa amin ng prangkisa.” Tiyak iyan sinabihan din naman si Maricel kung anong endorsement ang gagawin niya. Tandaan din ninyo, pakiusap lamang iyon. Hindi naman siya binayaran para roon. Kaya kung in the course ay mayroon siyang kandidatong hindi nabanggit, marahil ay nawala sa isip niya, o hindi naman kasi sinabi sa kanya, bakit ninyo siya sisisihin?

Mayroon pang basher na nagsabing hindi raw puwede iyon.

Dapat sabihan lahat na hindi maaaring isa lang ang ie-endorse at hindi babanggit                         \\\ iyong kasama. Bakit nagbayad ba kayo? Kung nagbayad kayo, bigyan na ninyo iyong tao ng sample ballot para pati lahat ng kandidato ninyo maiendoso niya.

Ano ba ang pakialam ni Maricel doon sa  iba, eh hindi naman ang mga iyon ang nag-imbita sa kanya. Remember, iyan ay

imbitasyon lamang. Kung sakali naman at si Maricel ay may ibang choice, eh ano naman ang pakialam nila? Dapat magkasya na lang kayo sa pakikialam sa sarili ninyo, huwag na ninyong pakialaman ang iba.

Si Maricel, artista iyan. Hindi naman iyan politiko. Huwag ninyong hanapin sa kanya ang protocol ng politika. Kung ano iyong personal niyang opinion o ginawa, igalang ninyo dahil ganyan ang politika.

Eh kung si Sharon Cuneta nga, nagpunta pa sa Malacanang at panay ang puri kay Presidente Digong noong nakaraang eleksiyon nang hilingin niyang iendoso ang kandidatura ng kanyang kapatid bilang mayor ng Pasay eh. Tapos ngayon biglang nagpalit ng kulay dahil sa personal na interest eh, bakit hindi ninyo mapansin? 

Talagang ganoon naman ang politika, kung saan naroroon ang interest sa kasalukuyan doon sila. Walang loyalty na pinag-uusapan diyan.

Kaya nga kami kung napansin ninyo, ni hindi kami bumabanggit ng pangalan ng kahit na sinong kandidato, dahil gusto

naming magkaroon ng kalayaan ang mga mambabasa namin na mamili. Ayaw din

namin iyong“ ina-underground” namin ang sinusulatan naming mga diyaryo.

Ayaw din naming pakikialaman kami sa aming choices. Sagrado ang eleksiyon para sa amin. Kaya nga hindi namin sinasabi kung ang pinakikinggan namin ay ang mga obispong Katoliko, si Ka Eduardo

Manalo, si Bro. Mike Velarde, o si Pastor Apollo Quiboloy.

About Ed de Leon

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …