MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYA ang singer na si John Arcenas sa pagaalaga sa kanya ng T.E.A.M (Tyronne Escalante Artist Management) dahil kahit bago pa lang siyang alaga ng kanyang management ay sunod-sunod na ang proyektong ibinibigay sa kanya.
Ilan dito ang dalawang beses na pagge-guest sa Kapuso Public Service program ni Vicky Morales na Wish Ko Lang, pag-front act sa Vax To Normal Concert ng Calista sa Araneta Coliseum na napakaganda ng performance niya dahil umani ng malakas na palakpakan at tilian mula sa mga nanood, pagkasama sa Regal Studios Presents: My Boss My Love; at out of town shows.
Bukod dito, nakatakda ring magbida si John sa isang pelikula na ayaw pang ipabanggit ang title at makakasama niyang mga artista hangga’t hindi pa nagsisimula ang shooting.
Abala rin ito sa promotion ng kanyang dalawang kanta na nasa Spotify, ang
Smile at Tanging Pag-ibig Ko.