Tuesday , April 29 2025
Andrea Brillantes Calista

Andrea umepal sa konsiyerto ng Calista
Ineendosong kandidato ikinampanya

MATABIL
ni John Fontanilla

AGAW-EKSENA si Andrea Brillantes sa matagumpay na Vax To Normal concert ng all female group na Calista sa Araneta Coliseum kagabi, April 26 nang biglang mangampanya bago kumanta.

Ani Andrea, “Sino ang mga Gen Z diyan? Alam n’yo na ang kulay ng suot ko (naka-pink  na maihahalintulad sa Sailormoon). 

“So alam n’yo na ang iboboto n’yo. Mga Gen Z maging matalino sa pagboto.”

Marami ang nagulat sa ginawa  ni Andrea, kaya naman ‘di maiwasang may sumigaw ng, “Gagahhh Ka!” sa audience na marahil ay ‘di naibigan ang ginawa ng dalaga.

Kahit nga ang mismong director ng concert ng Calista ay nagulat din sa ginawa ni Andrea dahil wala naman iyon sa script nang matanong si Nico Faustino sa isinagawang presscon matapos ang concert.

Anang direktor, inirerespeto nito ang choice ni Andrea sa kung sino ang gusto niyang iboto pero iginiit nitong wala sa script ang sinabi ng batang aktres.

About John Fontanilla

Check Also

Katrhryn Bernardo TCL

TCL at Kathryn Bernardo patuloy na magbibigay ginhawa sa pamilyang Filipino

MULING pinagtibay ng TCL Electronics, isa sa mga nangungunang TV brands sa buong mundo at lider …

042925 Hataw Frontpage

FPJ PANDAY BAYANIHAN PARTYLIST PATULOY NA UMAANGAT SA SURVEY
Suporta ng mamamayan lalong lumalakas

HATAW News Team ANG Social Weather Stations (SWS) Survey ng Abril 2025 ay naglagay sa …

Ramil Ventenilla Michael Mon Rosette Punzal Kenaz Bautista

Isinangkot sa mga kaso ng katiwalian
Mangatarem Mayor, VM, at municipal accountant  inireklamo sa Ombudsman

NAHAHARAP sa patong-patong na kaso sa Tanggapan ng Ombudsman sina Mangatarem, Pangasinan Mayor Ramil Ventenilla, …

TRABAHO Partylist 106

TRABAHO Partylist, isinusulong ang karapatan ng manggagawa sa pagsalubong ng Labor Day 2025

Sa paglapit ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa Mayo 1, muling iginiit ng TRABAHO …

Malabon City

Kapag hindi nakalusot sa Comelec
Deskalipikasyon vs Sandoval posible

NANGANGANIB na madeskalipika o malagay sa bingit ng alanganin ang kandidatura ni Malabon re-electionist Jeannie …