MATABIL
ni John Fontanilla
MULA sa pagiging artista at modelo, pinasok na rin ni Teejay Marquez ang pagnenegosyo via The Good Skin, ang sarili niyang line skin care serum.
Ayon kay Teejay, “Medyo mahirap sa simula ang pagbubukas ng isang negosyo, kailangan mo kasi mag-invest nang sobra-sobrang oras and medyo madugo rin ‘yung gastos, pero worth it naman once na nandyan na.”
Limang klase ang skin serum ng The Good Skin na FDA approved at 100% all natural na puwedeng-puwede sa all types of skin.
Bukod kay Teejay may mga celebrity na rin ang sumubok na gamitin ang produkto at sila ay sina Devon Seron, Meg Imperial, DJ Janna Chu Chu at ang mga beauty queen na sin Casie Banks at Dindie Pajares.
Sa ngayon ay mapapanood si Teejay sa Kapuso show na Mano Po Legacy: Her Big Boss kabituin sina Ken Chan, Bianca Umali, Kelvin Miranda, Sarah Edwards, Tyrone Tan, at Blue Cailles.