Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Harlene Budol Hipon Girl Bb Pilipinas

Herlene Hipon Girl itinago sa pamilya ang pagsali sa Binibining Pilipinas  

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI maitago ni Nicole Herlene “Hipon Girl” Budol ang sobra-sobrang kasiyahan nang makapasok sa 40 official candidate ng Binibining Pilipinas.

Hindi nga nasayang ang rigid training nito sa Kagandahang Flores.

Target ni Herlene na maiuwi ang Grand International-Philippines Crown at ang Miss Grand International Crown na gaganapin sa Thailand later this year.

Hanggang ngayon nga ay ‘di pa rin makapaniwala si Herlene na nakapasok siya sa Binibining Pilipinas.  “Oh my gad noong tinawag ang #67 na speechless po ako at wala pa rin akong tigil sa kaiiyak dito sa backstage. 

“Thank you Lord for hearing & answering my prayers!” 

Hindi naman nito nakalimutang magpasalamat sa kanyang mga tagahanga, sa kanyang manager na si  Wilbert Tolentino at sa Wowowin na kanyang ipinost sa kanyang FB.

“Mga ka-Hiponatics, huwag n’yo po ako iwan sa aking journey.

“Mahal na mahal ko kayo mga KaSquammy, KaBudol at Kahipon, Kainutz, KaFreshness, Sana mahalin nyo rin ako tulad ng pag aalaga sa akin ng aking Manager Wilbert Tolentino at nag bigay ng tiwala at opportunidad nakikita nya para sa aking Karera. ipagtanggol nyo ako pag may mag bash sa akin ah.

“Mahalin nyo ako bilang Hipon nakilala nyo sa Wowowin as TV host ah. ipinapangako ko rin na inding indi ako mag babago at inding indi po lalaki ang aking ulo.” 

Ikinuwento rin nito na isinikreto niya sa kanyang pamilya ang pagsali niya sa Binibining Pilipinas.

Walang kaalam-alam ang buong pamilya ko sa aking pageant journey para sa Binibining Pilipinas. I love u po Nanay Bireng at Tatay Oreng para po eto sa inyo!” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …