Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Atty. Mico Clavano Bisaya Gyud Partylist

Bisaya Gyud Partylist nagpadala ng pagbati sa mga bagong abogado

RATED R
ni Rommel Gonzales

BINATI ng mga nominee ng Bisaya Gyud (BG) Partylist 108 ang mga bagong Bisayang abogado sa bansa. 

Ibinahagi ni First Nominee Alelee Aguilar-Andanar ng Bisaya Gyud (BG) Partylist 108 ang mataas niyang papuri at paghanga sa mga bagong abogadong pumasa sa ginanap na Bar Exams kamakailan sa kanilang determinasyon, tiyaga at sipag, na ang mga bagong abogadong ito ay tiyak na ipagtatangol ang karapatan ng mga nasa laylayan at mga naaapi sa komunidad.

Ani Alelee, “Hindi madali ang mga pinagdaanan niyo pero nagawa niyong lampasan ang mga hamon dahil sa inyong sakripisyo at sipag sa pag-aaral. Natutuwa ako na madaragdagan na naman ang mga tagapagtanggol ng batas at sa mga dehado sa ating lipunan.

“Umaasa ako na sa inyong paglalayag sa larangan ng abogasiya ay uunahin ang kapakanan ng ating mga kapwa Bisaya na inaapi, nilalamangan, at kulang sa kakayahan para ipagtanggol ang sarili.

“Sana ay magpatuloy kayo sa pagpapakita ng husay, integridad, at katapatan sa tungkulin upang magsilbing inspirasyon sa mga Bisaya at sa sambayanang Filipino.”

Napgpahatid din ng pagbati ang Second Nominee na si Atty. Mico Clavano sa kanyang mga kapwa abogado.

“Inaasahan kong kayo ang magsisilbing gabay at bantay sa ating lipunan, at isusulong ang kapakanan ng mga nangangailangan.

“Looking forward to working with you as partners in our pursuit to serve the Filipino people, especially the Bisaya Gyud,” ani Atty. Mico.

Ayon sa Korte Suprema, may kabuuang 8,241 examinees mula sa 11,402 ang pumasa sa 2020.2021 Bar Examinations.

Ang naturang batch na may passing rate na 72.28% ay halos lampasan ang all-time high passing rate sa kasaysayan na 75.17% noong1954 Bar. 

Ayon pa rin sa Supreme Court, ang mga eskuwelahan na may pinakamataas na exemplary passers ay ang University of the Philippines, Ateneo de Manila University, San Beda University, University of San Carlos, at Arellano University.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …