HINDI na bago iyong kuwentong walang suportang ibinibigay si Mohan Gumatay, o DJ Mo, sa naging anak nila ni Bunny Paras na si Moira kahit na noong may sakit iyon at nasa malubhang kalagayan. Hindi ba may panahon pa ngang may inilabas na video ang isang tv talk show na nagpunta si Bunny sa tinitirahan ni DJ Mo sa US, pero ni hindi siya hinarap?
Kaya magmula noon nagsikap si Bunny on her own, at tinulungan din siya ng kanyang kapatid, ang aktres na si Sharmaine Arnaiz. Later on nakapag-asawa naman si Bunny na umampon din kay Moira, itinuring iyong parang tunay na anak, pinag-aral iyon at
ipinagamot. Ngayon ok na si Moira at kahit hindi makalakad, nagtatrabaho na sa airport sa Los Angeles.
Eh kung ang inasahan lang ni Bunny ay ang tatay ng bata na si Mohan, ano kaya ang buhay niyon ngayon?