MATABIL
ni John Fontanilla
GAGANAPIN ang isa sa pinaka-maningning at pagsasama-sama ng mga sikat na fashion designer at models sa bansa sa Fashion Style Gala 2022 sa April 24, 2022 4:00 p.m. at Commonwealth Heights Convention Hall, Quezon City.
Ididirehe ito ni John Christian Barrosa Garcia a.k.a. Gian Garcia na isang modelo at Viva artist. Ang fashion show ay handog ng ng PAC Entertainment Production, PAC Models, at PAC Artists Agency sa pangunguna nina Dana Keith, Clarisa Jea, at Esmeralda Garcia.
Ang PBB housemate na si Art Guma ang magho-host ng event.
Irarampa ng mga modelo ang mga new collections ng mga sikat na designers na sina Jowie Namayan, Randy Satin, Paul Santos, Yue Santiago, at James Paul.
Ang official media and photographer sa Fashion Style Gala 2022 ay ang Mix Magazine, Showbitz, Oliver Jack H, Pascua, Lito Caleon, Theody Lorilla, at Jamin Lim. At hatid ng PAC Entertainment Production, PAC Models at PAC Artists Agency sa pakikipagtulungan ng GScent by Gian Garcia, JACE, Dermaworld Cureking, Fries on Top, Frappe Express, Celebrity Studio, Stefanie Flower shop, at Gift to Go.