Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aiai delas Alas Audie Gemora Pokwang

Ai Ai ‘di lumevel sa ‘kamoteng’ parinig ni Audie 

HATAWAN
ni Ed de Leon

MARAMI ang nagsasabing politically motivated ang statement ng stage actor at director na si Audie Gemora  nang sabihin niyang sa tingin niya mas magaling na komedyante si Pokwang kaysa kay Aiai delas Alas. Lumabas ang comment ng stage director matapos aminin ni Aiai kung sinong presidentiable ang kanyang iboboto, na kalaban naman ng tuwirang ineendoso ng director at ni Pokwang.

Simple lang naman ang naging sagot ni Aiai, “hindi ko naman kasi siya kilala eh.” 

Pero tingnan natin ang fairness ng comment. Mula sa pagiging isang simpleng komedyante, sumikat si Aiai at hindi maikakaila na sa pelikula, isa siya sa itnuturing na box office star. May panahon pa ngang siya ay naging isang box office queen. Si Aiai ay nanalo na nang napakaraming awards sa telebisyon, at naging best actress pa sa Fantasporto International Film Festival sa Portugal para sa kanyang pelikulang School Service. Naging  best actress ulit siya para sa pelikula niyang Area sa Asean International Film Festival noong 2017. Dahil din sa pelikulang Area, napili siyang muli bilang best actress sa Queens’ World Film Festival sa New York.

Hindi lang sa acting ang award ni Aiai. Siya ay isang “condecorado,” ibig sabihin kinilala ng Santo Papa sa Roma ang mahalagang nagawa ni Aiai para sa simbahan nang gawaran siya ng Pro Ecclesia et Pontifice, na siyang pinakamataas na karangalang maipagkakaloob ng isang santo papa sa isang layko. Katunayan na siya ay hindi lamang isang mahusay na artista kundi mabuting tao.

Hindi naman sa minamaliit namin si Pokwang at maging si Audie, pero kapwa sila hindi pa nakakukuha ng ganyan kalalaking karangalan. Pareho rin sila na hindi pa nakagagawa ng mga hit na kagaya ng ginawa ni Aiai. Kaya masasabi ngang ang binitiwang pahayag ni Audie ay opinion lang niya at possible ngang politically motivated.

Tama rin naman ang reaksiyon si Aiai, dahil bakit naman niya papatulan ang mga ganyang comment at babatakin paitaas ang mga taong iyon sa kanyang level?

Minsan talaga iyang mga ganyang comment nagba-back fire. Akala siguro niya papatol si Aiai at magtataray para mas magkaroon sila ng pagkakataong may masabi. Eh hindi pumatol. Sila ang kamote.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …