Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sanya Lopez AJ Benson Maxine Medina

Sanya at star player ng Blazers nagkita

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGKITA at nagkakilala nang personal sa unang pagkakataon sina Sanya Lopez at star player ng De La Salle-College of Saint Benilde na si AJ Benson sa Game On-Sports Studio of Champions.

Sa panayam, ikinuwento nina Sanya at Maxine Medina (na parehong nasa First Lady ng GMA), alumna ng De La Salle-College of Saint Benilde, ang panonood nila ng laban ng Mapua Cardinals at College of Saint Benilde Blazers sa NCAA Season 97 noong Martes sa St. Benilde Gym sa La Salle Green Hills.

Sabi ‘yung Benson magaling kaya sa kanya ako nanonood kanina,” ayon kay Sanya.

“In fairness magaling si Benson,” sambit naman ni Maxine.

Hindi alam ng dalawa, bisita rin sa studio si Benson at doon na nagkakilala ang tatlo.

Si Maxine, nagpakilala kay Benson bilang si “Max,” habang si Sanya, nagpakilala bilang si Sanya.

Pero nang hindi agad na-gets ni Benson ang pangalan ng aktres, sinabi muli ni Sanya ang kanyang pangalan na may hirit na, “Sanya, like lasagna you know.”

Nagtawanan sila sa studio at tila na-“break the ice” ang kanilang first meeting para maging komportable ang kanilang pag-uusap.

Sinabi nina Sanya at Maxine na nag-cheer sila para sa Blazers pero natalo ang team sa Cardinals.

Kaya nag-sorry si Benson sa kanilang pagkatalo pero pinalakas naman ni Sanya ang kanyang loob sa pagsasabing, “There’s always a next time.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …