MATABIL
ni John Fontanilla
NAKATIKIM ng panlalait ang 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach nang i-post nito sa kanyang social media accounts kung sino ang ibinoto niya sa pagka-pangulo ng Pilipinas.
Ibinoto ni Pia bilang pangulo si Vice President Leni Robredo bilang overseas absentee voter sa UAE.
Nagsimula ang Overseas Absentee Voting noong April 10 at matatapos sa May 9.
Post ni Pia sa kanyang Instagram, “Today, I am even prouder to have voted for Leni to be our next president. I’m sharing this with you dahil naniniwala ako sa kakayahan ng isang babae.”
Dagdag pa nito, “Please make time for it because your vote counts. You have one whole month to do this so there’s really no excuse not to.”
At dahil sa pahayag na ito ni Pia, hindi siya nakaligtas sa panlalait ng mga supporter ng ibang presidential candidate na tinawag siyang, “bobo” at “lugaw.”
Ilan pa sa masasakit na komento na natanggap ni Pia ay ang mga sumusunod:
“Miss Universe na VOVO. Magsama kayo ng ina mong Lugaw na Lutang na voVo na magnanakaw pa.”
“Pia wurtzbach ganda lang Pala Meron ka bobo Karin Pala!”
“May VOVO din palang Miss Univers.”
“Maganda ka sana pero nawala na ganda mo sa pag pili ng pangulo.”
“Tama sumama kayo sa mha kaalyado ng komunista maganda yan gaganda ang buhay ninyo.”
“Mag sama sama kayong mga sabaw. Sayang maganda ka lang talaga pero walang utak.”