Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo Daniel Padilla 2 Good 2 Be True Kathniel

Bagong serye ng KathNiel acid test sa kanilang tambalan

HATAWAN
ni Ed de Leon

ISANG acid test para sa KathNiel (Kathryn Bernado-Daniel Padilla) ang kanilang susunod na serye. Kailangan nating tanggapin na kung minsan sikat man ang artista, kung masasabak sa isang proyektong limitado ang audience, nangangamote rin.

Isang magandang example na nga si Daniel na hindi mo pagdududahan ang kasikatan, pero noong nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) nangamote ang

kanyang nasamahang indie film, bagama’t sinasabi ng ilang kritiko na mahusay ang kanyang performance. Ganyan din noong isama siya ni Robin Padilla sa isang historical movie, hindi rin siya nakabatak dahil mali nga ang target audience nila.

Ngayon iyan namang kanilang serye, na walang dudang tama ang material para sa love team nila, limitado naman sila sa internet streaming, sa cable channel ng ABS-CBN, at sa combined block time sked sa Zoe Tv at TV5. Wala ang maraming relay stations sa mga probinsiya, kaya hindi mo rin maaasahang magiging number one iyan. Kung tatalunin nila ang top content ng network na Probinsyano, ok na sila. Huwag na

iyong over all dahil ano nga ba ang laban mo sa isang estasyong 150kw, at may 50 provincial stations, na nasa internet at cable rin?

Pero tiyak iyan may laban din naman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …