PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
PAREHONG masaya at proud sina Christian Bables at Vince Rillon matapos silang mag-tie bilang Best Actor sa katatapos na 19th Asian Film Festival na ginanap sa Rome, Italy.
Nanalo si Christian sa pagganap niya bilang si Dharna, isang gay beautician na gagawin ang lahat matanggal lang ang pangalan niya sa drug watchlist sa 2021 Metro Manila Film Festival Best Picture na Big Night directed by Jun Robles Lana at produced ng The IdeaFirst Company. Si Christian din ang pinarangalang Best Actor sa MMFF 2021.
Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Christian ang kasiyahan at pagpapasalamat. Aniya, “Thank you so much for this honor and recognition @asianfilmfestival !
“Kindly extend my utmost gratitude to everyone involved in the 19th Asian Film Festival, most especially the jury.
“Congratulations to us @theideafirstcompany !
“Couldn’t thank you enough Direk Jun Robles Lana and Direk Perci Intalan for always believing in me. Love you both infinitely!
“To my managers Tito Boy Abunda, @didocamara , @joanneangeles , Jeff Ambrosio and @katieleytly salamat sa lahat lahat.”
Nagwagi naman si Vince sa pagganap niya bilang binatang magnanakaw na nilabanan ang kanyang walang-puso at corrupt na boss sa pelikulang Resbak na idinirehe ni Brillante Mendoza.
“Maraming salamat po, Lord God, at mas lalo ko pa pong pagbubutihin ang lahat ng aking tatahakin sa industriya,” post ni Vince sa kanyang social media account.
Samantala, pinarangalan namang ng naturang award giving body ng Best Film ang crime thriller movie na On the Job: The Missing 8 na idinirehe ni Erik Matti.