Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz Angelina Cruz

Sunshine maghihigpit ba kapag niligawan na ang mga anak?

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGSISIMULA na raw magtanong ang panganay na anak ni Sunshine Cruz kung ano ang kanyang rules sa “pag-inom” dahil nasa edad na naman siya na karaniwang simula ng”social drinking.” Nagtatanong na rin daw iyon ng rules sabpakikipag-boyfriend kung sakaling may manliligaw na nga sa kanya, o baka naman may manliligaw na kaya nagtatanong na ng rules.

Magiging mahigpit bang nanay si Sunshine?

I was her age noong magsimula akong magtanong din nang ganyan. Noon mas conservative ang parents ko. Kahit na sabihin mong sanay din sila sa showbusiness dahil sa father ko, mahigpit sila. Noon hindi ko sila maintindihan kung sinasabi nilang hindi ganoon kadali iyon. Ngayon na-realize ko na tama sila. kung hindi ako naging pabigla-bigla noon, at hinayaang umiral ang emotions ko, siguro hindi ako separated ngayon. Pero hindi naman ako nagsisisi dahil nagkaroon

ako ng mababait na mga anak.

“Pero just imagine, kung ganyan ang mga anak mo, tapos buo pa ang pamilya mo, hindi ba mas maganda. Iyon nga lang na-realize ko na siguro nga kahit na ano mapagtitiisan ko alang-alang sa pamilya,

pero hindi ko kayang i-tolerate ang shared family. Doon ako nagkamali kaya ginawan ko ng paraan, at ang nakita ko lang solusyon talaga ay makipaghiwalay,” sabi ni Sunshine. 

Pero alam ko hindi iyan ang ideal situation lalo na para sa mga anak ko, pero wala akong magawa eh, iyon lang ang nag-iisang solusyon na puwede kong gawin. Wala na akong choice noon kundi makipaghiwalay. Salamat naman sa Diyos na noong mahiwalay ako, nakabalik ako sa aking career kaya nagawa kong buhayin ang mga anak ko kahit na ako ay nag-iisa.

“Sa mga anak ko, hindi ako mag-iimpose ng rules. Bubuksan ko lang sa kanila ang buhay ko, ang mga pagkakamali ko, at siguro nga ang only rule, iwasan din nila ang mga nagawa kong pagkakamali noong araw para maging mas maganda ang kanilang buhay,” sabi pa niya.

Paano kung may dumating na lang sa bahay niya na manliligaw ng kanyang anak?

Just like any mother, siguro may ilang questions din ako para may idea naman ako kung sino nga ba ang manliligaw ng anak ko. Pero siyempre ang lahat ng desisyon ay sa kanila. Pinalaki ko ang mga

anak ko na marunong gumawa ng sarili nilang desisyon,” sabi pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …