Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
FabLife 2022

40 kabataan rarampa sa FabLife 2022

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

GUSTONG bigyang daan nina Ryan Manuel Favis at Gie Baldemor, organizer ng FabLife 2022 ang talento ng 40 kabataang naglalayong maibahagi ang kanilang galing sa modeling at pag-arte.

Ayon kay Favis nais nilang i-encourage ang mga Filipino Millennials at Gen Z gayundin ang komunidad na mai-promote ang ating culture at pagkakaisa.

Sa launching ng Fab Life 2022 noong Linggo na ginanap sa Belmont Hotel, Pasay City ipinakilala nila ang 20 sa 40 kabataan na sasalang sa kanilang show sa April 21. 

Bukod sa pagpapakilala sa 20, nagkaroon din ang mga ito ng Q&A, gift distribution sa mga sponsor at introduction sa may-ari ng FabLife at photoshoot ng mga ito. 

Ani  Favis, Executive Producer, dalawang taon na nilang ginagawa ang Modelong Fablife. 

Itong ginagawa namin sa mga kabataang ito ay bilang pagsasanay sa kanila na mahulma ang mga talentong mayroon sila. Katulad ng Inding-Indie Film Festival na nagpapakita ng galing iyong mga baguhan. Itong mga kabataang ito ay magkakaroon din ng pagkakataon na ma-recognized ang galing nila,” sambit ni Favis.

Gusto ng grupo ni Favis na bumuo ng naiiba sa marami. “Kaya napagkasunduan namin na gumawa nitong naiiba. Halimbawa short movie, modeling na decent, iba sa marami. ‘Yung bihirang-bihirang makita ng majority sa mainstream. 

“Kung mapapansin n’yo at mapapanood ninyo ang gagawing fashion show sa April 21, hindi siya iyong kagaya niyong makikita ang ibang parts ng katawan. Naka-cover ang mga katawan nila. When it comes to acting, mayroon sa kanila na gustong umarte, ang ginagawa namin, isinasalang namin sila sa isang film na may matututunan sila na hindi sila isasalang lang para gumanda o pumogi lamang. 

“Ang pinakaimportante, maitaas ang nagbigay sa iyo ng ganyang hitsura, maging anuman iyan o anumang estado, ang Diyos ang itinataas natin, hindi ang sarili natin,” esplika pa ni Favis. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …