Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Papa Dudut Mama Emma Janna Chu Chu Karinderia Go

Papa Dudut, Mama Emma, at Janna Chu Chu sumugod sa Karinderia Go

MATABIL
ni John Fontanilla

MATAGUMPAY ang pagbubukas ng Karinderia Go sa Brgy. Holy Spirit, Commonwealth Ave. Quezon City na pag-aari ni Anthony David Manalili Jr..

Dumalo at naging espesyal na panauhin sina Papa Dudut ng Barangay Love StoriesMama Emma ng Forever Request, at Janna Chu Chu ng Barangay LS Songbook ng LSFM 97.1 Forever.

Present din ang young actor at tinaguriang Ppop Supremo ng Dance Floor at napapanood sa Broken Marriage Vow (ABS-CBN) na si Klinton Start gayunding sina Ysabella Alberto (model/ beauty queen ) at ang CEO & President ng Aspire Magazine Philippines/Global na si Ayen Castillo.

Ayon kay Anthony binuksan nila ang Karinderia Go para makatulong at makapagbigay trabaho sa mga kababayan natin. Kaya naman ipinananalangin nito na sana ay maging maganda ang takbo ng kanilang negosyo at marami ang mag-franchise.

Dagdag pa ng 29 years old , masusi nilang pinag-aralan ang bawat pagkain sa Karinderia Go at tiniyak nilang masarap bago sila nagdesisyong magbukas.

Kuwento naman ni Chef Carlo Miguel lahat ng kanilang pagkain ay hindi ginamitan ng artificial preservatives and flavoring (MSG), kaya naman tiyak itong healthy ang mga pagkaing inihahanda nila.

Sinabi pa ni Chef Miguel na bawat pagkain ay sarili nilang recipe mula sa pinagsama-samang idea ng iba pang chef ng Karinderia Go at niluto nila na punompuno ng pagmamahal, kaya walang kasing sarap ito na maihahalintulad sa luto ng ating mga Lola na may puso ang bawat putahe na inihahain sa ating hapag kainan.

Swak na swak nga sa kanilang tagline na ang—Lutong may alaala mula sa puso ni Lola. 

Ilan sa mga espesyal na pagkain sa Karinderia Go ang Crispy Liempo Kare-Kare Pork/Beef, Special Sisig, Roastbef Kapampangan, Mix Sea Food, Crispy Pata, Bicol Laing, Grilled Tuna, Papaitang Kambing/Baka, Pancit Canton/Bihon, Adobo Spareribs, Sinampalukang Kambing  atbp.. Kaya naman sugod na at tikman ang pagkain ng Karinderia Go.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …