ni Ed de Leon
NANAHIMIK na raw ang isang female starlet dahil mukhang sunod-sunod na dagok lang ang dumating sa kanyang career. Noong una, nagreklamo ang kanyang ka-love team at hiniling mismo sa network na palitan siya bilang ka-love team ng female starlet.
Lumipat na lang ng network ang starlet hoping na sa lilipatan niya ay mas mabibigyan siya ng break, kaso hindi rin. Sumali naman siya sa isang beauty pageant, lost din. Kaya pagkatapos niyon,
lost in action muna siya sa showbusiness. Pero hindi raw totoo ang tsismis na nag-madre na siya kaya nawala.
Nag-aaral na lang pala siya ulit matapos niyang ma-realize na mas may kinabukasan siya kung makapagtatapos ng pag-aaral, kaysa magpilit siya sa showbusiness na mukha namang wala siyang kinabukasan.
Ganoon naman dapat ang attitude, magsikap ka. Gawin mo ang lahat ng
makakaya mo. Kung nagawa mo na ang lahat at wala pa rin, tigil na.
Huwag ka nang mag-trying hard. Mahirap iyon.