ni Ed de Leon
NAKAISTAMBAY na mag-isa sa isang watering hole sa isang resort ang isang newcomer na gumagawa na ng mga BL films na pang-internet. Basta ang mga ganyan ay umistambay nang solo sa ganoong lugar, alam na siguro ninyo na naghahanap iyan ng “ibang role” na kanyang magagampanan.
Aminado naman siyang marami siyang legal na raket sa ngayon, “pero ang dami ring bills na kailangang bayaran kaya wala pa ring pera,” sabi pa niya na siyang dahilan ng kanyang pagsa-sideline.
Aminado naman siyang takot din dahil kailangan niyang sumama sa mga taong hindi niya kilala pero feeling niya mas ok na iyon kaysa matsismis naman siya kung ang sasamahan niya ay mga taga-showbusiness lalo ngayon at “nag-aartista” na rin siya.