Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Claudine Barretto Rico Yan

Claudine at pamilya Yan ginunita ang pagkamatay ni Rico

HATAWAN
ni Ed de Leon

AFTER 20 years ha, kasama na ngayon si Claudine Barretto ng pamilya at ng kanilang  fans sa paggunita sa kamatayan ng actor at dati niyang boyfriend na si Rico Yan. Nagkita-kita sila sa memorial park na kinalilibingan ni Rico at doon ay nagkaroon din ng maikling program na binigyan sila ng pagkakataong magsalita ng tungkol sa memories nila sa yumaong actor.

Natatandaan namin, Biyernes Santo iyon mismo nang bulagain ang lahat ng balita na si Rico daw ay binangungot at namatay sa kanyang pagkakatulog. Nang ginigising siya ay hindi na nagising, at sinasabing iba na rin daw ang kulay. Isinugod pa siya sa ospital sa Palawan at pagkaraan ay idineklara ngang patay na. Mabilis dinala si Rico sa Maynila para sa autopsy na ginawa ng PNP Crime lab at lumabas na nagkaroon nga ng problema ang kanyang pancreas.

Marami ang hindi makapaniwala, kabilang na ang broadcast journalist na si Arnold Clavio na nagsabing kasama pa nila si Rico na nag-karaoke the night before. Pero ganoon talaga ang buhay. Walang makapagsasabi kung hanggang kailan lang talaga iyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …