Saturday , November 16 2024

Granada pinaglaruan sa inuman construction worker arestado

NASAKOTE ng pulisya ang isang lalaking sinabing nagpatong ng isang hand grenade sa ibabaw ng kanilang mesa habang nag-iinuman kasama ang tatlong iba pa sa Brgy. Eden, bayan ng San Manuel, lalawigan ng Isabela, nitong Lunes ng gabi, 28 Marso.

Kinilala ng San Manuel MPS ang suspek na si Romel Velasco, 37 anyos, construction worker, na ayon sa mga nakasaksi ay tinuran sa Ilocano na: “awan sa met pulutan yu (wala naman kayo pulutan),” dakong 11:20 pm kamakalawa.

Dahil sa pagkabigla sa nakitang granada sa ibabaw ng mesa, nagpulasan ang mga kainuman ni Velasco para sa kanilang kaligtasan, saka iniulat sa mga opisyal ng barangay ang insidente.

Nagresponde ang mga tauhan ng San Manuel MPS kasama ang mga opisyal ng barangay sa lugar kung saan nag-iinuman ang apat.

“Naabutan pa ng mga pulis ang suspek sa lugar at inihagis ang granada patago, mabuti at hindi natanggal ang pin at ‘di sumabog,” pahayag ni P/Maj. Sunny Longboy, hepe ng San Manuel MPS.

Sa imbestigasyon, sinabi ng suspek na nakuha niya ang hand grenade sa Kalinga kung saan siya nagtatrabaho.

Tinukoy ng pulisya ang narekober na pampasabog na Mk 2 grenade .

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa PD 1866 kaugnay sa Omnibus Election Code si Velasco.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …