Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Rhea Tan Anne Curtis Angel Locsin Angelica Panganiban Dimples Romana

Bea happy sa pagbubuntis ni Angelica 

MATABIL
ni John Fontanilla

GAME na sinagot ni Bea Alonzo ang mga katanungan ng entertainment press na dumalo sa launching niya bilang ambassador ng Beautederm na isinagawa sa Luxent Hotel. Iniendoso nito ang Beautéderm REIKO Slimaxine at REIKO Fitox. 

Natanong si Bea ukol sa kanyang buhay pag-ibig gayundin ang ukol sa mga kaibigan niyang sina Anne Curtis, Angel LocsinAngelica Panganiban, at Dimples Romana. Dalawa sila ni  Angelica na wala pang pamilya pero masaya si Angelica sa pag-aming buntis ito sa kasalukuyan samantalang si Bea ay happy din sa kanyang relasyon kay Dominic Roque.

At kahit wala pa sa plano ng Drama Queen ang pag-aasawa, happy naman ito sa kanyang mga kaibigan lalo na kay Angelica na malapit nang maging mommy.

“Ako masasabi ko siyempre, i’m very very happy for my friends, lalo na si Angge.

“Alam ko talaga na ‘yun ang matagal na niyang gusto, na magkaroon ng baby. So I’m very very happy for her.

“Pero siyempre, may kanya-kanya tayong timeline, hindi naman ako mape-pressure because all of my friends are married or gonna get married or having babies,

“Sa totoo lang, kung na-pressure ako, parang dapat 5 years or 4 years ago kasi ‘yung mga kaibigan ko from high school, mga nagsipag-asawa na saka mga nagsipag-anak na.

“So ‘yun nga! Parang kanya-kanya tayo ng ano eh, kanya-kanya tao ng kumpas sa buhay, kanya-kanya tayo ng struggles, kanya-kanya tayo ng blessings, and I refuse to be compared to these wonderful women kasi kanya-kanya tayo ng strength and weaknesses.”

Sa ngayon nga ay hindi prioridad ni Bea ang pag-aasawa lalo na’t napakaraming proyekto ang kanyang gagawin. Isa na rito ang seryeng pagsasamahan nila ni Alden Richards.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …