ni Ed de Leon
NOONG linggo ng umaga, nagulat kami nang kantahin ni Fr. Mario Jose Ladra iyong Maging Sino Ka Man.
Ang pinupunto niya ay mahal ka ng Diyos kahit sino ka pa. Hindi kaya may mag-alburoto na naman at sabihing hindi niya pinapayagan na kantahin ang kanyang kanta sa isang misa dahil siya ay “born again?”
Sa ngayon talaga mahirap nang kumanta ng mga awitin ng mga dating singers dahil baka palagan ka. Kaya nga kami pinag aaralan namin ngayon iyong Pitong Gatang at Kawawang Koboy ni Fred Panopio, at saka iyong Mag-exercise Tayo Tuwing Umaga ni Yoyoy Villame. Mas sikat na mga kanta, wala pang magrereklamo.