Tuesday , December 24 2024
Joel Villanueva, Tesdaman

Mas maraming MD board passers,<br>“DOKTOR PARA SA BAYAN” SCHOLARS – TESDAMAN…

INAASAHAN ni Sen. Joel “TESDAMAN” Villanueva na mga iskolar ng Doktor Para sa Bayan ang mga susunod na papasa sa medical board examinations.

Kahit nadagdagan ng 1,427 bagong doktor ang bansa sa pagpasa nila sa March 2022 licensure examinations, sinabi ni Villanueva, malayo pa rin ang kabuuang bilang sa nararapat na doctor-to-population ratio.

“Kung dapat may isang doktor sa bawat 1,000, kulang pa po tayo ng 80,000,” sabi ni Villanueva.

Base ito sa 110 milyong populasyon ng bansa para sa taong 2022.

“Pagdating po ng 2030, tataas sa 125 milyon ang populasyon natin, at ang dagdag na 15 milyong Filipino ay nangangailangan ng 45,000 doktor,” sabi ng senador.

Para tugunan ang pangangailangang ito, sinabi ni Villanueva na nakatanggap ng dagdag na pondo ngayong taon ang mga scholarship sa ilalim ng Doktor Para sa Bayan Act.

“Ang kabuuang pondo po para sa mga iskolar ng bayan na nag-aaral ng medisina ay lampas isang bilyong piso,” sabi niya.

Si Villanueva ang principal sponsor at principal author ng Republic Act 11509, na pinirmahan ni Presidente Rodrigo Duterte noong 23 Disyembre 2020. Siya rin ang sponsor sa pagpopondo ng batas na ito sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act.

Ipinaliwanag ng senador na may iba’t ibang panggagalingan ang pondo ng Doktor Para sa Bayan scholarships.

Ito ang P500 milyon sa ilalim ng Medical Scholarship and Return Service program, at P167 milyon sa ilalim ng umiiral na medical scholarship program, na parehong pondo mula sa Commission on Higher Education.

Isa pang panggagalingan ng pondo ay ang pre-service scholarship grants ng National Health Workforce Support System Program ng Department of Health (DOH).

“Sa susunod na taon, dapat taasan pa po natin ang budget ng scholarship. Hindi dapat maantala ang pagpuno natin sa kakulangan ng mga doktor sa bansa,” sabi ni Villanueva.

Sinabi ng chair ng Senate committee on higher, technical, and vocational education na ang pagtaas ng bilang ng mga iskolar ay kaakibat ng pagtaas ng dami mga SUC na may kursong medisina.

Binanggit ni Villanueva, kahit pitong rehiyon sa bansa ang walang pampublikong paaralang pangmedisina, mas marami pang SUCs na may kursong medisina ang itatatag.

Sinabi ng senador, nadagdagan kamakailan ang mga pampublikong paaralang pangmedisina sa mga sumusunod na SUCs: Cebu Normal University (first in Region 7), Western Mindanao State University sa Zamboanga City (first in Region 9), at University of Southeastern Philippines sa Davao City (first in Region 9).

Inaasahang magkaroon din ng mga school of medicine sa mga SUC na gaya ng Isabela State University, Batangas State University, Cavite State University, University of Southern Mindanao, at Mindanao State University-General Santos.

“Dahil sa Doktor Para sa Bayan Act at mas maraming SUC na may kursong medisina, abot-kamay sa mga Filipino ang pangarap na maging doktor at serbisyong medikal para sa masa,” sabi ni Villanueva.

Layon ng Doktor Para sa Bayan Act na magkaroon ng mas maraming doktor sa bansa sa pagbibigay ng libreng tuition, libro, at iba pang allowance para sa mga kalipikadong estudyante.

Inaatasan din ng batas na magsilbi ang mga iskolar ng programa sa mga public health facility katumbas ng mga taon nila sa scholarship. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …