Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Brenda Mage

Brenda Mage ayaw na sa showbiz

MATABIL
ni John Fontanilla

MUKHANG napagod na sa showbiz ang ex PBB housemate at komedyanong si Brenda Mage dahil mas pinili nitong umuwi na lang at manatili sa kanyang  probinsiya sa Jasaan at panandaliang iwan at tinalikuran ang showbiz.

Umingay ang pangalan ni Brenda nang sumali sa Miss Q & A ng It’s Showtime na kahit hindi nanalo ay kinagiliwan ng mga manonood. Kaya naman unti- unti itong nakilala at nakapasok nga sa PBB at nagkasunod-sunod ang proyekto.

Post nito sa kanyang Facebok account, “GOODBYE SHOWBIZ : Bye for now Manila … after 15 years of staying here since 2007 i was only 17yo starting to pursue my Dreams to become a Celebrity haha …. Makakauwi na ko ng Probinsya maybe not for Good pero matatagalan talaga… nakapag ipon na rin kahit papano Time to focus for my family and future naks hahaha…

Dagdag pa nito, “Goodbye Showbiz muna mejo natupad na rin lahat ng Pangarap ko sa Showbiz Industry.  Teleserye, Movie, ASAP, MMK, Its Showtime, PBB, Ms Charo Santos Interview, Boy Abunda Interview, Toni Gonzaga interactions, Celebrity Friends.  

‘Yung makaharap si Ms Kris Aquino yun lang ata ang pangarap ko na Hindi natupad waaah. Yung pangarap ko na mga Friends ko would have their Own Happy life too may Bahay na rin sila at yung iba narenovate na rin nila AKO NAMAN at di mangyayari yan kung hindi dahil sa Tulong ng mga Viewers namin.”

At dahil sa naging desisyon na ito ni Brenda maraming malalapit nitong kaibigan at tagahanga ang sobrang nalungkot.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …