MATABIL
ni John Fontanilla
TRENDING sa mga netizen ang kaseksihan nina sina Lovi Poe at Janine Gutierrez na nagpatalbugan sa kaseksikan sa pictorial ng mga ito sa isang global clothing line, na suot ni Lovi ang dark green two piece habang orange one piece bathing suit ang suot ni Janine. Pareho pa silang nakahiga sa buhanginan sa isang beach resort.
Very timely nga ang pagpapa-sexy ng dalawa ngayong summer na mas lalong nag-painit sa mga kalalakihang nakakita ng kanilang larawan.
Ipinost ni Lovi ang nasabing larawan sa kanyang social media account na may caption na, “Swim with us or sleep with us?”
Iba’t ibang kumento ang nakuha nito sa netizens. May nagsabi na mas hot si Lovi at mayroon namang nagsabi na mas hot si Janine.
Eto ang ilang komento, “Mainit pa sa summer.”
“Swim then sleep with you.”
” Ay Can i titig you na langz”
“Woooooh, super sexy this two beautiful lady.”
“Grabe naman to ang hot nyuuuuu.”