HATAWAN
ni Ed de Leon
DOON sa huli nating nakitang NUTAM survey, na ginawa ng AGB Nielsen noong Huwebes, March 24, nangunguna pa rin ang 24 Oras na may rating na 36.0 percent, na sinundan ng First Lady nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez na nakakuha ng 14.1, pumangatlo ang Widows Web na may 10.8 at pang-apat na lang ang dating survey leader na Ang
Probinsyano na nakakuha lang ng 10.3 sa combined ratings ng Zoe TV, Tv5, at Kapamilya Channel.
Pumasok sa isip namin ang sinabi ng isa naming kaibigan, “hindi na ako nanonood ng ‘Probinsiyano.’ Hindi na action eh. Bihira na lang lumabas si Cardo, ang bida na sina Rowell Santiago at Sharon Cuneta. Kaya nonood na lang ako ng animal video sa internet, mas
nakatutuwa pa,” sabi niya.
Sa kuwentong iyon, hindi lumipat ang audience sa ibang channel. Naghanap siya ng ibang mapapanood dahil ang tingin niya, halos wala nang action ang action series na matagal din niyang sinundan. Siguro nga naninibago ang mga tao, maski sa pagkawala ni Yassi Pressman na nakasanayan nilang katambal ni Coco at pagpasok ng
tunay niyang syotang si Julia Montes. Minsan iyang pagbabago sa mga
show para mai-accommodate ang ibang stars, may epekto rin iyan eh, bukod pa nga sa wala silang masyadong provincial stations ngayong nagagamit. Pero NUTAM naman eh kaya ibig sabihin sa urban areas isinagawa ang survey.