ni Ed de Leon
MAY misteryong naganap sa isang male model. Dahil puyat nga raw at napakaaga naman ng call time sa isa niyang shoot, hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa isang upuan habang may break. Dahil sa tindi ng pagod at himbing ng tulog, hindi niya namalayan na “pinakialaman” na pala siya ng mga bading sa set. Nagduda na lang siya nang makita niya ang kanyang ayos nang magising siya, at nang magtanong siya, may nagsabi sa kanyang “pinasok siya ni direk” at pagkatapos ay “pumasok din ang EP” na parehong bading.
Ganyan din ang ginawa ng isang bading na director noon sa isang male star. Nagising iyon at pumalag tapos ay nagsumbong sa management kaya napaalis ang director. Pero hanggang ngayon pala ay may mga director pang nanggagapang ng mga poging talent na nakatutulog sa set.
The moral of the story is, huwag kang matutulog sa set kung pogi ka at bading ang director mo.