Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kokoy de Santos Elijah Canlas Gameboys The Movie
Kokoy de Santos Elijah Canlas Gameboys The Movie

Gameboys fans excited sa Season 2 sa May 22

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

TUWANG-TUWA at na-excite ang fans ng Gameboys nang sa wakas ay ilabas na ng producer nitong The IdeaFirst Company ang release date ng inaabangang season 2 ng nasabing hit Pinoy BL series.

Sa social media accounts ng IdeaFirst ay inilabas nila ang teaser ng release date ng season 2 na 05.22.22.S2. Itinaon nila ito sa second anniversary ng Gameboys, na unang ini-release noong May 22, 2020. Ang bongga ‘di ba, season 2 sa second anniversary sa May 22!

Siyempre ibinahagi rin ng mga bida ng Gameboys na sina Elijah Canlas at Kokoy de Santos sa Twitter ang post ng IdeaFirst.

Caption ni Elijah, “#GameboysS2 when???” Habang si Kokoy naman ay, “May 22ong 22o akong nabalitaan. #GameboysS2.”

Kahit madaling-araw ipinost ng IdeaFirst ang Gameboys season 2 release date ay tumodo sa tweets ang gising pang fans.

Tweet nga ng isa, “Eto nanaman tayo sa madaling araw na ayuda. Gameboys season na ngaaaaa! #GameboysS2″

Ayon sa isa pang tweet ng fan, “akala po namin announcement ng season 2 ang mangyayari sa 5.22.2022. start na po pala? yey!!! sorry po sa flooding ng tweets, sobrang saya lang talaga. gising GB fam please, kailangan ko ng kausap!”

Mayroon pang naging emosyonal, “Grabe kayo. Pinaiiyak nyo po kami. Salamat”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …