Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Donny Pangilinan Calista

Donny Pangilinan mabenta sa miyembro ng Calista

MATABIL
ni John Fontanilla

WIN na win sa puso ng halos karamihan sa miyembro ng Calista ang Kapamilya actor na si Donny Pangilinan dahil apat sa anim na miyembro nito ang crush ang binata, samantalang ang dalawa naman dito’y sina Daniel Padila at Enrique Gil ang crush.

Ang Calista ay binubuo ng anim na magaganda at very talented girls na sina Anne Tenorio, Olive May, Denise Pello, Dain Leones, Laiza Comia and Elle Pascual na alaga ng kaibigang Tyrone James Escalante na siyang CEO & President ng TEAM.

Kuwento ni Tyrone, minsan na siyang nagkaroon ng girl group hindi lang ito nagtagal. At dahil gustong-gusto niya talaga na magkaroon ng girl group ay binuo niya ang Calista na siyang naging katuparan ng kanyang pangarap.

From hundreds na nag-audition ay na trim down ito ng 50 hangang sa mapili ang anim na talented at magaganda na bubuo sa Calista.

At sa Grand Media Launch ng grupo ay ibinahagi ni Tyrone na target nila na makilala ‘di lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo para maipakita ang husay ng mga ito sumayaw at kumanta.

Ipinarinig din ng Calista ang kanilang international sound music entitled Race Car na mula sa komposisyon ng mahusay na composer na si Marcus Davis.

At noong nakaraang taon ay tumanggap ng award ang grupo bilang Most Promising  Female Group of the year sa Dangal ng Lahi Awards 2021.

At sa darating na April 26, 2022 ay magkakaroon ng kanilang kauna-unahang konsiyerto ang Calista, ang Vax To Normal na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum na magiging espesyal nilang panauhin sina AC Bonifacio, Elmo Magalona,Andrea Brillantes, Darren Espanto, at Ken San Jose na hatid ng Merlion Events Production Inc.,directed by Nico Faustino.    

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …