Sunday , December 22 2024
Kit Thompson Ana Jalandoni

Kit Thompson laya na

HATAWAN
ni Ed de Leon

LAMPAS na nga ang office hours nang mailabas si Kit Thompson mula sa detention center ng Tagaytay City Police noong Lunes ng hapon. Hindi naman masasabing  VIP treatment iyon, pero kung minsan talagang pinapayagan na ang ganoon lalo na’t alam naman nilang maaga pa ay inaayos na ang piyansa. Kung minsan kasi nagkakaroon lamang ng delay sa paglalakad ng papeles. Kagaya nga niyan, naaresto si Kit ng Biyernes, natural maghihintay pa ng Lunes bago maka-aksiyon ang piskalya, madala iyon sa korte na magtatakda naman ng kaukulang piyansa.

Malaki rin ang itinakdang piyansa, pero dahil ang kaso nga ay violence against women, na maaari pang bumaba sa physical injuries lamang, hindi kailangan ang total cash bond na P72K. Marami namang financing firm na siyang tumatayong piyansador, babayaran mo lamang ang premium. Kaya ngayon laya na si Kit.

Mabuti naman at hindi siya pinabayaan ng kanyang management company na nagbigay sa kanya ng abogado at nagpiyansa. Nauna riyan naghugas sila ng kamay at sinasabi nilang hindi nila kukunsintihin ang anumang uri ng violence against women, na parang sinabi na kay Kit na bahala na siya sa buhay niya. Mabuti naman at naisip nilang may obligasyon din sila kay Kit bilang kliyente nila. Isa pa nga lumalabas na sila rin pala ang manager ng inumbag ni Kit na si Ana Jalandoni.

 Hindi rin naman maikakaila na iyan ay isang lovers’ quarrel. Hindi malayong dumating ang isang araw na magkasundo ulit ang dalawang iyan. May namamagitan sa kanila eh. Maski na magsampa pa ng demanda iyan, oras na magkasundo iyan at ang complainant ay maghain ng desistance, wala na ang kaso. Palagay namin hindi malayong mangyari iyan. Lovers iyan eh.

Sa natutuhan namin sa panahong nasa police beat pa kami, iyang mga sinasabing lovers’ quarrel na ganyan ang pinakamahirap pakialaman. Minsan kapag nagkasundo iyan napapahamak pa ang pulis diyan eh. Hindi mo masasabi talaga kung ano ang kahahantungan ng mga ganyang usapan.

Iyang kasong iyan palagay namin maaareglo rin iyan.

Pero iyon pala mainitin ang ulo ni Kit, at kung minsan nadadala siya ng init ng kanyang ulo. Kailangan na nga sigurong masanay siya sa ganyang sitwasyon para maiwasang mahoyo siya ulit dahil sa pang-uumbag.

About Ed de Leon

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …