MATABIL
ni John Fontanilla
NAGPAHAYAG ng kanyang suporta sa tambalang Vice President Leni Robredo na tumatakbong Pangulo at Senator Kiko Pangilinan na tumatakbo namang Vice President ngayong 2022 elections
Ayon sa lead actress ng pelikulang Greed ng Viva Films sa isang interview, ang dalawa ang tunay na may malasakit sa bansa, “they really care about the country.”
Dagdag pa nito, “Bakit ko pa patatagalin, alam naman ng lahat na team pink din ako!
“I am very vocal about ano, talagang maganda ‘yung track record and I really see that you know na si Madam Leni at saka si Sir Kiko very ano talaga sila, they really care about the country at ‘yun nga track record din talaga.”
Nagbigay din ito ng mensahe sa mga boboto ngayong May 9, 2022, “If we gonna vote someone who’s corrupt and who’s has like a dirty record ang ending kasi niyan lahat ng, marami rin gagaya.
“You get what I mean, so kung iboboto natin is malinis, walang dayaan, walang magkukupitan, ‘di ba? ‘Yun ‘yung gusto naman natin lahat at the end of the day na maging patas.
“Maging maayos at saka maging maganda ‘yung buhay ng mga Filipino,” giit pa ng aktres.