Thursday , December 19 2024
Calista

Calista members hindi isinasara ang pinto sa beauty pageants

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

NO wonder na magagaling sumagot na parang beauty queens ang mga miyembro ng bagong all-girl group na Calista na sina Olive, Laiza, Denise, Elle, Dain, at Anne dahil karamihan pala sa kanila ay dati nang sumabak sa pageants.

Katulad na lang ni Olive na kinoronahang 2019 Miss Teen Cebu at lumahok sa 2019 Miss Teen Philippines. Si Denise naman ay nanalong first runner up sa Pakalog Festival Queen 2020. Habang si Daine ay itinanghal na Miss Teen Dasmarinas Cavite 2016 second runner up, Miss Photogenic 2016, at Miss Southern Luzon Collegefirst runner up. Maging si Elle ay sumabak din sa pageants.

Kaya naman natanong namin ang Calista kung posible bang ituloy pa rin nila ang pagsali sa mga prestihiyosong beauty pageants gaya ng Miss Universe PhilippinesBinibining Pilipinas, Miss World Philippines, at Miss Earth Philippines na hindi kailangang buwagin o iwanan ang grupo nila?

Yes, I’m doing pageants before. When it comes to that part po, I’m not closing any doors. Pero for now, I want to focus po muna sa Calista, sa group, because we want to be successful. But regarding sa pageants, I’ll cross the bridge when I get there,” bonggang sagot ni Olive na sinegundahan din ng iba pang members.

Calista po now ang top priority!” diin pa ng Calista leader na si Anne.

Tama naman sila. At saka bata pa sila kaya pwede pang makahintay ang mundo ng pageantry.

Sigurado naman kaming makakamit ng Calista ang inaasam nilang tagumpay at kasikatan dahil nag-uumapaw sa kagandahan, talento, at talino ang mga miyembro, na ipinamalas nila sa nakaraang launching ng music video ng debut single nilang Race Car written and composed by Marcus Davis. At siyempre todo ang suporta sa kanila ng manager nilang si Tyronne Escalante at ng Merlion Events Production Inc.

Samantala, naghahanda na rin ang Calista para sa upcoming concert nila na Vax to Normal  sa April 26, 2022 sa Smart Araneta Coliseum. Makakasama nila sa concert sina Yeng Constantino, AC Bonifacio, Elmo Magalona, Andrea Brillantes, Darren Espanto, at Ken San Jose. Produced by Merlion Events Production Inc., ang Vax to Normal ay ipalalabas naman sa telebisyon sa May 1, 9:00 p.m., sa TV5

About Glen Sibonga

Check Also

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5 ngayong Disyembre

NGAYONG Kapaskuhan, hatid ng TV5 ang ultimate Christmas saya sa isang star-studded Christmas extravaganza at bagong updates …

Vic Sotto Piolo Pascual Kingdom

The Kingdom nakae-excite, maraming matututunan  

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAGASTOS ang The Kingdom, dahil pawang malalaki ang eksena at locations. Hindi …

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Francine Diaz Seth Fedelin FranSeth My Future You

FranSeth movie mahigpit na lalaban sa Gabi ng Parangal

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PINAG-UUSAPAN ang ganda ng pagkakagawa ng My Future You na entry ng Regal Films sa Metro …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …