Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aga Muhlach

Aga Muhlach, mababaw ang luha

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

NADISKUBRE ng Programming Consultant ng NET 25 na si Ms. Wilma Galvante na mababaw pala ang luha ni Aga Muhlach.

Ito palang si Aga ay mababaw ang luha. First episode pa lang ng ‘Bida Kayo Kay Aga’ eh umiyak na agad siya,” sabi ni Ms. Wilma.

Hindi nga maiwasang maging emosyonal ni Aga dahil sa nakaaantig at nakabibilib na mga istorya ng mga taong nakakausap at naiinterview niya sa bagong show na iho-host niya sa NET 25, ang Bida Kayo Kay Aga, isang feel-good reality show, na ipalalabas na sa March 26, Sabado, 7:00 p.m.. 

Bibida sa show ang mga daddy na katulad ni Aga ay achiever din sa life sa pinasok nilang larangan. Gayundin ang mga boss ng sarili  nilang negosyo na napalago nila mula sa maliit na pinagsimulan. Tampok din ang mga taong gumawa ng “random acts of kindness,” o ang mga taong nakahandang tumulong at magmalasakit nang walang hinihinging kapalit.

“Nakaka-touch lang na may mga taong handang tumulong at hindi humihingi ng kapalit. Marami tayong mga bida na dapat saluduhan. Nakaka-touch ang mga istorya nila na through ‘Bida Kayo Kay Aga’ ay maibahagi ko sa mga manonood. Very inspiring talaga. Hindi ko mapigilang mapaluha sa kasiyahan at paghanga. Thanks to NET 25 for allowing me to do this show,” ani Aga.

Mapapanood ang Bida Kayo Kay Aga sa Net25 TV, Net25 Facebook page at Youtube

channel tuwing Sabado, 7:00 p.m., simula sa March 26.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …